jump to navigation

LP007 - Umaapoy May 14, 2008

Posted by Leap of Faith! in Litratong Pinoy.
add a comment

 ”Halika, huwag nang mahiya… kagatin mo ang aking katawan upang makamtan mo ang umaapoy na init ng aking kalamnan.” 

                                                                            — Bb “Chili Pie” Pecante

LP006 - Mahal na Ina May 8, 2008

Posted by Leap of Faith! in Litratong Pinoy.
31 comments

Nais kong magpasalamat sa Puong Maykapal,

na nagbiyaya sa akin ng mga Inang walang humpay ang pagmamahal.

Kanilang dedikasyon sa pamilya ay walang katulad,

Sa butihing puso nila, makukulit mang anak ay madaling napapatawad.

 

Bagamat may mga panahon na tunay silang sinusubukan,

Pilit pa rin nilang tinitiis upang kalagaya’y makayanan.

Luha sa mga mata sa anak ay di ipapakita,

Lakas ng loob, sa mga ngiti nila’y damang-dama.

 

Sa pagkakataong ito nais kong ipagmalaki,

Aking asawang si Pinky, at inang si Dollie

Dalangin ng aking puso na sa habang panahon

Kasiyahan, kalusugan at kapayapaan ng Diyos ay lagi nilang baon.

 

Maligayang araw ng mga Ina para sa aking kabiyak sa buhay, sa aking dakilang ina at sa lahat ng mga ina ng LP at ng buong mundo!

 

 

 

 

LP005 - Malungkot May 1, 2008

Posted by Leap of Faith! in Litratong Pinoy.
38 comments

Bakit, hindi ka ba malulungkot kung ganyan katigas ang buhok mo?

“Sa likod ng aking ngiti’y nagkukubli ang isang malungkot na manyika” — Dora

 

LP004 - Hugis Ay Pahaba April 24, 2008

Posted by Leap of Faith! in Litratong Pinoy.
33 comments

Ito ang aking panghapunan ng nakaraang Linggo,

Isang sandwich na maniwala ka’y mas mahaba pa sa paa ko.

Sibuyas, litsugas, kamatis at minatamis na manok,

samahan pa ng keso upang lalong maging patok!

 

Sa gutom ko’y naisip na mauubos ang lahat,

ngunit ilang kagat pa lang at mga singkit kong mata’y napadilat.

Labing dalawang pulgada’y di na nakayanan

‘Pagkat bugbog-sarado sa busog, animo’y tinaob ni Pacman!  

 

 

 

 

 

 

 

 

LP003 - Apat na Kanto April 17, 2008

Posted by Leap of Faith! in Litratong Pinoy.
28 comments

Ang mata ay buksan sa ganda ng larawan, gintong bundok ang siyang patutunguhan.

Ina’t anak tunay na namangha, ganda ng ilog di na alintana. 

Sa unang tingin apat na kanto’y di maipinta, ngunit imulat ang mata at ito’y makikita. 

Kung ang inyong ulo ay masakit na ngayon, ang umiikot na tulay na kahoy ang sagot sa ‘yong tanong.  

 

 

 

 

 

LP002 - Tatlo Ang Sulok Ko April 10, 2008

Posted by Leap of Faith! in Litratong Pinoy.
28 comments

 

 

 Ang tatsulok na ito ang siyang bumabati sa akin tuwing umaga,  

Sa pagbukas na aking mata’y siya’y aking laging nakikita.

Bagamat ang kalooban ko’y hirap at kadalasang nalulungkot,

Sa init ng ulo niya damit ko nama’y laging walang gusot.

 

O kaibigang tatsulok, sana nama’y matutunan mo akong patawarin,

Sa aking pagmamaltrato ikaw sana’y mas maging maunawain. 

Dahil sa hirap ng aming buhay sa disyertong ito,

Dagdag pa ang tatlong anak na tunay na nakakasakit ng aking ulo.

 

Pabayaan mo na sa unang pagkakataon ng aking pagsali

dito sa lingguhang palarong talagang nakawiwili,

litrato mo ay aking ipagyayabang,

at ang sigaw ko sa buong mundo, ”ikaw ay tunay kong kaibigan!”  

LP001 - Ako ay Bilog April 8, 2008

Posted by Leap of Faith! in Litratong Pinoy.
Tags: ,
7 comments

 

Pasensya na at alam kung sinabi ko sa inyong lahat na ang una kung entrada sa LP ay sa darating na huwebes.  Ngunit, hindi ko mapigil ang aking sarili na maglagay naman ng kahit isang litrato rito sa aking bagong blogsite lalo’t-lalo nang pinaghirapan ko pa itong gawin.  Dahil rito, ipinagpipilitan kung isama ang litratong ito na kinuha ko ng isang araw.

Ito ay ang bilog na panghimagas na ginawa ng aming mga anak na si Luigi at Rafael.  Ang tawag nila rito ay ang “Hercheese Fruit Delight” kasi gawa ito sa keso, saging at strawberry na nilagyan ng maraming Hershey’s Chocolate syrup.  Kung napapansin ninyo, may istilo pa ang paglagay ng chocolate syrup! 

Bagamat hindi ako mahilig kumain ng keso, tunay na nakakatuwa ang munting handa ng aming mga anak.  Salamat sa inyo mga bata.

Abangan ang aking tunay na entrada sa darating na huwebes.  Hanggang sa muli.