LP002 - Tatlo Ang Sulok Ko April 10, 2008
Posted by Leap of Faith! in Litratong Pinoy.trackback
Ang tatsulok na ito ang siyang bumabati sa akin tuwing umaga,
Sa pagbukas na aking mata’y siya’y aking laging nakikita.
Bagamat ang kalooban ko’y hirap at kadalasang nalulungkot,
Sa init ng ulo niya damit ko nama’y laging walang gusot.
O kaibigang tatsulok, sana nama’y matutunan mo akong patawarin,
Sa aking pagmamaltrato ikaw sana’y mas maging maunawain.
Dahil sa hirap ng aming buhay sa disyertong ito,
Dagdag pa ang tatlong anak na tunay na nakakasakit ng aking ulo.
Pabayaan mo na sa unang pagkakataon ng aking pagsali
dito sa lingguhang palarong talagang nakawiwili,
litrato mo ay aking ipagyayabang,
at ang sigaw ko sa buong mundo, ”ikaw ay tunay kong kaibigan!”












Salamat Irog ko. Mahirap ang mga tema ng palarong ito ngunit sa tulong mo ito’y aking kakayanin - tulad ng aking pamamalantsa araw-araw
Lids, maraming salamat sa iyong pagdaan.
Salamat, Alpha. Medyo TH nga eh.
Kaje, salamat… dinugo ilong ko roon. Hehehe.
Mousey, araw-araw kung nakikita itong kaibigan kong ito. Close na kami kahit laging mainit ang ulo niya… hehehe.
Buge, tama ka diyan. Kahit hindi ko gustong aminin, malaki talaga ang tulong ng kaibigan ko sa akin… hirap naman pumasok sa opisina na gusot ang suot…
haha akala ko nung una ay Korona o alahas. nung binasa ko na yung iyong tula, plantsa pala haha. malabona talaga mata ko. magaling, napaka malikhain. welcome nga pala sa LP kapatid! at maganda itong ginawa mo na bagong bahay mo para sa iyong mga larawan. iaadd ko na rin ito sa blogroll mo. nawa’y maganda ang huwebes nyo ng iyong pamilya.
Salamat Bluep. Baka mabasa ito ng asawa ko at pilitin ako bumili ng korona o alahas… nakupu! Oo, naisip kung gumawa ng isapang blogsite para sa mga litrato ko… hirap mahalo sa isa ko pang blog. salamat sa pagsali sa blogroll mo ha.
Weng, pareho kayo ni Bluep. Actually, diamante nga ang ilalalim ng plantsa namin… hehehe, asa pa ako! Ayaw ko rin ang pag plantsa kaso damit ko lang pang opisina naman kadalasan ang kailangan kong i-plantsa. Si Pinky naman ay naka Abayah… ang mga bata naman… di bale ng gusot ang suot nila! hehehe.
Naku, salamat Lynn. Creative ba ang tawag doon… akala ko nasisiraan na ng ulo
Naku, Thess, pareho pala tayo ng kaibigan. Hindi ko lang kinunan ng litrato yung kabayo ko kasi hindi akma sa tema… di bale baka sa susunod.
Julie, kahit ako ayaw ko rin mamalantsa… kung hindi lang kailangan…sana maibento na nila ang automatic plantsadora noh… mahil din mag pa laundry ha.
Maraming salamat, Christine.
Thanks, Nell. Kawawa naman ang plantsa niyo… I hope it retired happy… Mukhang dapat nga atang mag wash and fold na lang kami pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa aking kaibigan… baka uminit nanaman ang ulo niya… hehehe.
Hey, ako rin first entry ko to. Enjoy nga di ba? Sige, hanggang sa susunod na entry.
Thanks, Abby. Hindi ako makahanap ng mas magandang picture eh… like the Louvre… kaya nag end up ako sa isang plantsa.
salamat sa iyong pagdalaw kaibigang ambo. walang late… kahit ako ngayon pa lang rin ako nakapag-ikot-ikot. siguro sa susunod matuto rin akong kumuha ng mas propesyonal na litrato, tulad ng sa iyo. tips naman ha.
Star, maraming salamat. Bow wow wow… ay mali!
Lizeth, salamat. Sana naman ay maganda ang ibig sabihin ng kakaiba ka… hehehe…
Dyes, amen! Talagang walang lusot ang gusot dito sa kaibigan nating ito
She, salamat rin sa pgadaan dito.
maraming salamat sa pagdaan. kahit ako nahirapan mag-isip ng tasulok na entry. huli na lamanag ng napansin ko na tatsulok pala ang ilalim ng aking plantsa. buti na lang kung hindi wala akong litrato
lino, dapat mo kaming bigyan ng mga lesson sa potgrapiya… ang galing ng litrato mo eh
hahaha. akala ko pa naman ay halatang plantsa ito. nakakaloko rin pala siya no. salamat sa pagdaan.
salamat, korky.
naku, asawa mo pala ang barkada ko… dapat ata ay magpalitan kami ng mga tips sa pagplantsa
salamat sa pagdaan.
Nina, naku pareho tayong umiiwas ngunit lagi akong nahahanap ng aking plansta… grrr!
Meeya, naku naramdaman ko na na patok kami ng asawa mo. Sigurado pag nagkataon at nagkita kami eh puro ang mga plantsa namin ang pag-uusapan… gano kainit kapag maong ang plina-plantsa o gumagamit ba siya ng almirol. Ikaw hindi ka namin isasama sa usapan… hehehe!
Si Weng ang maestro sa balagtasan ako nag pupumilit lang.. hehehe. Salamat, nag-eenjoy kami ni Pinky sa paghanap ng mga litrato. Sa Huwebes ulit.