jump to navigation

LP017 – Sa Gawing Kanluran July 23, 2008

Posted by Leap of Faith! in Litratong Pinoy.
trackback

Sa gawing Kanluran nakatira noon ang mga “Vikings.”  May halos dalawang daan taong din silang naglasik ng lagim sa mga tao ng Europa.  Gamit ang kanilang mga matitibay na bangka na kadalasan ay may hubog ng isang galit na ahas sa harapan, ninanakawan nila ang lahat ng bayan, simbahan at mga monasteryong kanilang nakikita.  Kadalasan ay kamatayan ang sinsasapit ng sinumang lumaban sa kanila.  Ang mga Vikings ay nagmula sa mga bansang Sweden, Norway at Denmark.

Ang litratong ito ay papel na maskara ng isang Viking.  Kinunan ko ito mula sa libro ng aking mga anak na pinamagatang “The Big Book of Warrior Masks.”

Comments»

1. ces - July 24, 2008

aba kung galing sa libro ito, mahusay ka keith! medyo hirap akong gawin ito, hindi lumalabas na natural gaya ng iyo!;) at saka typo ba yang naglasik:) tanong lang naman…hehe

2. fortuitous faery - July 24, 2008

akala ko postcard….mahusay na pagkuha!

pakisilip din ang aking lahok dito…

http://fairywinkle.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy14sa-gawing-kanluran.html

salamat! :)

3. ShutterHappyJenn - July 24, 2008

kung si faery akala postcard, ako naman akala ko poster! ang galing ah?

Ang aking LP ay nakapost na rin! Sana daan kayo sa post ko:
Shutter Happenings.

Maligayang araw ng Huwebes!

4. Julie - July 24, 2008

Ang galing naman! Binasa ko ulit, “Ano daw? Sa libro kinunan?”

Happy Huwebes!

5. farah - July 24, 2008

nice entry! ang hirap ng linggong to ha? :)

6. lidie - July 24, 2008

wow! kakaiba ito a!
magandang huwebes sa’yo!

7. lino - July 24, 2008

ayos… happy huwebes…..:)

8. Willa - July 24, 2008

wow! very informative entry.:)

9. yvelle - July 24, 2008
10. Arvin - July 24, 2008

Nakakatakot nga ang kwento ng mga Vikings, parang ang lupit. Buti ngayon ako nabuhay, hehehe:D

11. iris - July 24, 2008

cool.. kung hindi siguro pirata, gusto ko maging viking. hehe.

12. Thess - July 24, 2008

Tito Keith, ang ganda ng pagkakakuha mo, galing!
ako yata ay may lahing viking, sabi ng asaw ako mahilig ako magwisik, este maghasik ng lagim ha ha !, teka..ano ba talaga, hasik o lasik ba…si tita ces nilito ako grrrr…basta

happy LP, sir :)

13. betchay - July 24, 2008

hindi naman siya mukhang nakakatakot pero nabuo na sa isipan ko na nakakatakot ang mga vikings! happy LP

14. gmirage2 - July 24, 2008

Pinapanood ko yung cartoons nito kasama ang aking mga anak, yung Valyrie and the Vikings(sana tama ang titulo) at ganyan nga ang mga maskara nila!

Happy LP!

15. linnor - July 24, 2008

parang iisa ang itsura ng mga vikings kapag pino-portray sa mga libro at sine… :D

16. Reflexes - July 25, 2008

akala ko si Santa *joke*. pero ang husay ng pagkakakuha mo sa libro…pramis.

17. Munchkin Mommy - July 25, 2008

uy, self portrait! kidding! lambing lang yun. hee hee. :D i’m back and bloghopping and backtracking like crazy! :D

18. Pinky - July 25, 2008

Sosy ka ha at “nordic” pa ang napili mong lahok – hahaha! Nice shot! :)

19. KD - July 25, 2008

Akala ko keith uso na noon ang mag pa lasik eye surgery hehe, pero okay ang shot mo ah buhay na buhay

20. Arvin - July 25, 2008

Yay! Grabe, natuwa kami ni karmi dun sa comment mo, hehehe:D Yun talaga yung hinihintay namin na mapansin e, hehehe. After what, 32 comments?:D Hehehe, salamat!

21. anj - July 26, 2008

i love vikings! well, valkyries na kinda-pinsan ng vikings. hehe.

ito naman akin

happy weekend. :)

22. Meeya - October 7, 2008

naku wala akong kilalang sikat na vikings. si leif garrett lang (ah eh norwegian siya at tunog viking kasi ang pangalan) at hindi na siya pogi ngayon, hehehe.