
Litratong Pinoy – Paskong Pinoy
Ang Pasko ay isa sa mga mahahalagang kaganapan sa buhay ng bawat Pilipino hindi lamang dahil ito ay isang pagkakataon para magkita-kita ang buong mag-anak at mga matatalik na kaibigan kung hindi dahil ito rin ay isang pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Panginoon. At siyempre, kung saan may pagtitipon siguradong maraming pagkain!
Itong litratong ito ay kinunan kamakailan lang sa aming tahanan noong kami ay magkaroon ng munting salu-salo kasama ang ilang kaibigan bago ang Pasko.
Kung nais mong malaman ang iba’t-iba pang paraan kung paano gunitain ang Pasko sa Pilipinas, sundan ang link na ito =>Litratong Pinoy
Maligayang Pasko mga ka-litratista!













Sarap-sarap talaga pag Pasko!
Pero diet na dapat pagdating ng New Year – hehehe
Ayyy ngayon lang yata ako nagawi ditesh, sorry po…
Hayyy ang sarap ng Pasko spread nyo naman!
(btw lahat ng blogs nyo po, naka linked na
)