LP003 – Apat na Kanto

By: Leap of Faith

Apr 17 2008

Category: Litratong Pinoy

30 Comments

Ang mata ay buksan sa ganda ng larawan, gintong bundok ang siyang patutunguhan.

Ina’t anak tunay na namangha, ganda ng ilog di na alintana. 

Sa unang tingin apat na kanto’y di maipinta, ngunit imulat ang mata at ito’y makikita. 

Kung ang inyong ulo ay masakit na ngayon, ang umiikot na tulay na kahoy ang sagot sa ‘yong tanong.  

 

 

 

 

 

Advertisements

30 comments on “LP003 – Apat na Kanto”

  1. Love your “chinoy-inspired subject” – I LIKE! 🙂 And your different take on the four corners is sheer genius – promise! 😉

    Salamat… ikaw ang aking number 1 fan 🙂

  2. i agree with pinky, kakaiba ang iyong apat na kanto 🙂 nakaka-challenge hehe.

    Meeya, sa dami ng apat na kanto ewan ko nga kung bakit ito ang aking napili. Akin lang ata yung entry na abstract.

  3. humihina na ata ang kokote ko. 🙂 hahaha! pero hindi naman sumakit ang mga mata ko. promise. 🙂 ang hinahanap ko kasi e regular na hugis. hahaha! mamaya pang alas dose lalabas ang entry ko. 🙂

    naku, sorry. di bale sasusunod promise hindi ko na gagawing ganito ka-iba ang mga entries ko. 🙂

  4. pinakyaw mo na ang talent sa pagkuha ng picture at pagsulat ng tula 🙂

    Naku, Linnor, tinutulungan rin ako ng aking mabuting maybahay sa pagsulat ng tula… sekreto lang natin ha 🙂

  5. hanga naman ako, may litrato na, may tula pa.
    kaya’t wala ka ng hahanapin pa.
    so aking pinagsikapan na mag iwan
    ng isang comment na may tugmaan.

    hehehe

    magandang huwebes…

    Lino, ako ang dapat humanga sa iyo. Gusto ko itong iyong commento… ang galing din ng iyong tugmaan 🙂 Salamat sa pagdaan.

  6. nawala ata yung comment ko kanina, kung naduplicate, paki-erase na lang.

    anyway, panalo talaga ang description mo, keith. Tula na, Palaisipan pa! 🙂

    Hi Abby, palaisipan… iniisip ko nga kung ano ang tawag doon sa Riddle buti na lang sinagot mo na 🙂

  7. Aba, kapag ganyan naman eh talagang makakagawa ka ng tula, magaling, magaling! 🙂

    Salamat, Julie. Inspired ba?! hehehe.

  8. Magaling ang iyong paliwanag at hanga ako sa iyong tula. Ikaw ay may angking talino dito. Mabuhay ka kaibigan!

    Ambo
    Ambothology.com
    Pinoyambisyoso.com
    Pinoytek.net

    Salamat, Ambo. May konting tulong naman ako sa aking asawa. Hirap kasi ng Filipino lalo na kung malalim na mga salita.

  9. ayun may squares sa upper left. 😀 happy huwebes!

    Kaibigan, salamat. Hindi ko napansin yung mga parisukat doon sa itaas ng aking litrato pero buti na lang at itinuro mo ito.

  10. wow. ang galing ng tula mo at ang ganda ng subject mo. well magkapareho lng naman ang photography at poem, magkaibang medium lang 🙂

    Korky, salamat. Actually isa sa mga paborito kong palamuti ng aming bahay iyong litrato na iyon. Oo nga, pareho naman ang photography at poems.

  11. wow.. okay sa alright ang tula.. pati na ang kuha syempre nakita ko ang parisukat..

    happy weekend

    Rose, pareho kayo ni IRonnie. Hindi ko nga napansin ang mga parisukat na binangit ninyo. Ang sa aking ay apat na kanto doon sa tulay.

  12. may kahirapan nga ito, ngunit nahanap ko rin! hahaha! at tunay na makathain ang iyong lahok!

    ces, pasensya na at marami ata akong hinilo sa lahok ko 🙂 Salamat sa pagdaan.

  13. wow! ang galing ng mga akda mo. ang pinta, larawan at tula.

    Salamat, mousey.

  14. Sir, pinakyaw mo naman ang talento! Sana matuto din akong tumula 😀

    2 apat na kanto nakita ko sa tulay, loob at labas nito..ang isa sa kaliwang parte…

    hanggang sa susunod na Huwebes!

    Thess, kaya mo din yan. Sa totoo lang hindi naman ako nagsusulat ng mga tula. Dito lang sa LP entries ko ito ginagawa. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito naumpisahan. Enjoy naman ang paglitrato ang pagtula.

    Tama ang sagot mo… salamat naman… akala ko eh nahilo ko na ang lahat ng dumaan dito.

  15. naaliw ako sa lahok mo… at syempre pa, pati sa iyong tula! 🙂

    Salamat, Judy, at nasiyahan ka naman.

  16. kakaiba. magaling ito 😀

    Alpha, salamat.

  17. oo nga – apat na kanto sya! ang galing mo naman gumawa ng tula 🙂

    Ninna, natuwa naman ako at nakita mo ang mga kanto ko. Salamat sa pagdaan.

  18. Nakakamangha ha…may tula pa…Yong larawan ba nyan ay Chinese or Japanese inspired? May characters kasi akong nakikita nakaukit sa boulders but am just not sure if it’s Nihonggo or Chinese..

    Actually, yung larawan na yon ay isang maliit na bahagi ng aming Chinese screen board. Ang ama ko ay intsik ngunit hindi ako marunong magbasa o masulat sa kanilang salita. Kung kaya mo, sabihin mo naman ano ang ibig sabihin ng nakasulat 🙂

  19. ang kuha, ang tula matalinhaga…ayos!!!
    makakapagisp ka talga eh..
    magandang araw…:)

    Salamat, Sharmaine.

  20. creative naman ng subject mo. minsan talga nasa tumitingin din yan ano? 🙂 galeng!

    Salamat, Kaje. Oo nga, iba’t-iba talaga tayo ng interpretasyon sa apat na kanto… naku, ano kaya ang mga interpretasyon natin sa susunod na linggo. abangan natin ha 🙂

  21. iba naman naalala ko dito sa lahok mo, si jackie chan at jet li ^_^

    Hehehe… kahit ako napapa-karate!

  22. maganda! maligayang araw sayo. 🙂

    salamat!

  23. mala-bugtong ang iyong interpretasyon sa litrato! napaka-makata!!! 🙂 ang ganda ng kuha mo masyado akong namangha buti na lang sinabi mo agad saan un parisukat kung hindi SIRIT na ako! hehehe!!! Hanggang sa susunod na Huwebes! 🙂

    Grey, maraming salamat… ikaw lang ata ang bumati sa litrato ko. Di bale, hindi lang ikaw ang muntik nang sumuko 🙂 Kita tayo sa susunod na huwebes.

  24. naalala ko tuloy ang panahong nakatira pa kami sa beijing. tamang senti tuloy ako…

    Iska, hindi ko alam na tumira ka sa Beijing. Ang sarap mo naman. Sige nga at babasahin ko ang mga blog entries mo para alam ko naman ang mga gimik niyo sa Tsina.

  25. wow makata dating…love this entry 🙂

    Thank you, Jeanny.

  26. magaling na makata ka talaga! 🙂 magandang weekend!

    Only The Good Stuff
    My Cyber-Life

    Salamat, Christine.

  27. napatanga ako. kakaiba nga ang entry na ito. mahusay!

    (OT: ang weird kapag matinong tagalog ang gamit ko)

    Jen, natuwa naman ako sa sinabi mo… napatanga… sana mabuti yon 🙂

  28. Litrato an tula…wala ka ng hahanapin pa, maliban sa apat na kantong pinapahanap mo hehe….kakaiba!

  29. pinakyaw mo na ang talent sa pagkuha ng picture at pagsulat ng tula 🙂

  30. waahhh!ngayon lng ako nakakita ng ganyan haytek ahhh :D!guys sagutin nyo kwento ko!

    may sosege inilagay sa machine nakagwa ng baby ano sagot !

    turo lng yan ng teacher ko kaso kwento lng yan ng teacher ko sa epp 😀 heheh


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: