LP004 – Hugis Ay Pahaba

By: Leap of Faith

Apr 24 2008

Category: Litratong Pinoy

34 Comments

Ito ang aking panghapunan ng nakaraang Linggo,

Isang sandwich na maniwala ka’y mas mahaba pa sa paa ko.

Sibuyas, litsugas, kamatis at minatamis na manok,

samahan pa ng keso upang lalong maging patok!

 

Sa gutom ko’y naisip na mauubos ang lahat,

ngunit ilang kagat pa lang at mga singkit kong mata’y napadilat.

Labing dalawang pulgada’y di na nakayanan

‘Pagkat bugbog-sarado sa busog, animo’y tinaob ni Pacman!  

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

34 comments on “LP004 – Hugis Ay Pahaba”

  1. Na-addict na ata ako sa Subway ngayong linggo – buti na lang eto ang naisip mong lahok kung kaya’t ilang araw din tayo nag-Subway tuwing hapunan – sarap (*burp*)!

    Alam ko na lahok mo sa susunod na linggo – kuhanan mo na lang ako dahil siguradong magiging malungkot na ako pag di Subway ang hapunan – hahaha! 😆

    Hon, ang sarap nga ng Subway. Kaya ko itong araw-arawin. Baka kapag na sa Pinas na lang kayo…

    Hindi ikaw ang subject ko sa darating ng Huwebes.

  2. Naku nakakabusog nga sa haba yan! Nakakatuwa naman, ang litrato ang pangbara, yung tula ang panulak ha ha!

    Hanggang sa susunod na Huwebes!!

    Thess, talagang nakakabusog siya ngunit napaka sarap. Kita ulit tayo sa susunod na linggo.

  3. Yum! Gusto ko yan na madaming keso! Kahit kalahati, mahaba pa din yan! Nakakatuwa ang tula…mashadong masarap ito at naimpluwenshan ka =D Sa susunod uli! ingat na lang…

    Oo nga… keso.. yum.. siguro kung pinadamihan ko pa ng keso ay naubos ko na ang buong sandwich… hehehe.

  4. Sarap! Hindi ko rin kayang maubos yung isang buo – hanggang kalahati lang.

    Hanggang sa susunod!

    Joy, di bale, hindi ka nag-iisa. Halos lahat talbog sa laki ng Subway.

  5. gusto ko din yan!!! kahit kalahati lang 😀

    Lizeth, ang sarap niya talaga no? Salamat sa pagdaan.

  6. paborito ko noon ang subway at na-miss ko tuloy sya ngayon! ang sarap, nakakagutom talaga!
    magandang huwebes sa’yo!

    Lids, iba talaga ang LP no. Kahit ako nagugutom tuwing nakakakita ako ng mga litrato ng pagkain. Pwede bang mabondat sa litrato lamang?

  7. kagutom naman dito…. 🙂

    Hehehe! Salamat sa pagdaan Lino.

  8. grabe, bigla ako nagutom! yummy! have a nice day! 🙂

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html

    Pareho tayo.. hehehe.. salamat sa pagdaan.

  9. ay nakakatakam naman itong lahok mo, penge naman!!

    Jenny, sagot ko ang apat na Subway punta ka lang dito sa KSA… hehehe.

  10. wow! ang sarap nito! ang tagal ko ng hindi nakakatikim ng Subway! Nagutom ako tuloy!

    Sana makabisita ka sa aking blog!

    http://edsnanquil.com/?p=634

    Eds, bilis at bumili na ng Subway… hindi ka magsisisi.

  11. Nakakagutom. Masarap sigurado yan. Naalala ko tuloy. Matagal na kong di nakakapagSubway. Paborito ko din yung katabi nyang chips.

    Naku, masarap nga siya kapag may chips na ksama… nakakataba nga lang lalo 🙂

  12. mahaba pa sa paa… kung ganyan naman kasarap, talagang mauubos nga.

    Tama ka, Linnor… kahit mahaba pa sa paa’y kayang ubusin… huwag lang siyang mag-amoy paa… hehehe.

  13. uy masarap itong entry mo! 🙂

    Salamat, Iris.

  14. Ang daming lahok na mga pahabang pagkain! Masarap yang nasa larawan mo. Nakakagutom na talaga! 😀

    Buge, ibig lang sabihin ay matatakaw ang mga miyembro ng LP… yikes!

  15. uy masarap dyan sa subway. nakakagutom ang kuha mo, keith! 🙂

    Abby, mas nakakagutom yung dati mong post tungkol sa Gerry’s Grill… yum 🙂

  16. keith, hanggang kalahati lang ang kaya ko niyan. 🙂 pero kung susundan mo ang diet ni jared, magandang paraan ito para mag-lose ng timbang in a healthy way. 🙂 btw, sale sila ngayon dito $5 na lang ang footlong. uy nagutom tuloy ako, heheh.

    maligayang huwebes!

    MyMemes: LP Pahaba
    MyFinds: LP Pahaba

    Meeya, siguro naman kung 12″ ang kakainin mo eh di uubra ang anumang diet. Naku sale… bili, bili na… kahit si Nina pilitin mong kumain…hehehe.

  17. sa sobrang haba at loaded, mahirap nga ubusin yan! hehehe

    Burp! tama ka diyan Kaje.

  18. keith, talagang hahanga ako sayo pag naubos mo ng isang upuan ang ganyang kahabang sandwich. 🙂 nung nagtatrabaho ako sa isang architectural firm sa makati, paborito kong hapunan ang “veggie delight” ng subway pag overtime. yun ang nakapagpapapayat sa akin noon. hee hee! ang favorite namin dito ngayon ay quizno’s. 🙂

    Weng, sa totoo lang eh mukhang kaya kong ubusin ang 12″… gusto ko kasi ang sandwich basta maraming gulay.

    Quizno’s… shocks parang meron yan dito pero di ko sinusubukan kasi akala ko local brand… subukan ko nga minsan.. ano masarap doon?

  19. paborito ko rin yan at kayang kayang ubusin heheh…

    maligayang lp!

    Mousey, magtayo na tayo ng club….

  20. Nakakagutom! Wala pa yata akong almusal ngayon. Gandang umaga.

    Naku, dami nito para sa almusal… good luck.

  21. tinitingnan ko pa lang alam ko nang dko mauubos ito! 1/4 cguro pwede hehe…

    Ces, ang hina mong kumain…para kang ipis… hehehe!

  22. sabi ko na nga ba subway yan eh, penge!

    Girlie, saluhan mo ako… tara.

  23. wow sarap!!!!

    salamat, Jen.

  24. Aba at tama nga naman pahaba ang subway di ba! 🙂 Ang saraaaap naman nyan lalo na may kasama pa na Lay`s delight! 12-inch sub ba yan? Di ko nga kaya ubusan yan.. kahit un 6-inch sub ay di ko pa nauubos e.. 🙂 Maligayang LP! Paborito ko un sub of the day tuwing Tuesday dito.. hehe.. Marinara Meatballs! Yumm! 😀

    Grey, 12″ siya.. pero kalahati lang ang naubos ko… hindi ko pa nasusubukan ang Marinara Meatballs pero yan ang o-orderin ko next time… salamatsa tip.

  25. naku mukhang mabigat nga yan sa tyan. ang haba na siksik pa. happy weekend!

    Oo nga, sobrang nakakbusog itong sandwich na ito. Salamat sa pagdaan.

  26. naku . pag gutom ako.. kaya kong ubusin yan.. feeling ko kasi pag galing subway.. healthy hehe.. kauya kahit ubusin ko.. di ako tataba.. hehe sabay order ng diet coke haha joke
    . kaya lang, pag me kasama ng lays.. nakow.. yan ang pampataba:(

    happy weekend

    Actually, iba din ang effect sa aking kapag Subway sandwich… feeling ko din mas healthy… siguro kasi puro gualy at hindi fried ang palaman. Diet coke and Lays… naku siguradong bondat tayo niyan.

  27. mahaba lang. hanggang 6in lang ako sa subway. Maligayang Sabado 🙂

    Ang laki kasi ng sandwich na ito eh.. di bale madami ang hanggang 6″ lang ang kaya… ako din ganoon lang kapag sobrang busog 🙂

  28. i mean, mahaba nga…

  29. now that i like a lot, keith! you make me want to go out and get some subs. sarap nyan siguro, panalo 😉

    Nell, get one now! Don’t delay… hehehe… para may kadamay ako 🙂

  30. ang sarap naman nito..

    Salamat, Alpha.

  31. uyyy, gustong-gusto ko yang mahabang yan!

    Pareho tayo… favorite ko rin ito 🙂

  32. ngayon ko lang nabisita ang lahok mo, keith! hehehe, anuvahyan… anong petsa na?! ginutom ako sa ‘parihaba’ mo at talaga naman, nakakaaliw ang iyong tula! 😀

    hanggang sa darating na huwebes, ka-LP!

  33. Mahaba nga! Nagutom ako dun ah


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: