LP006 – Mahal na Ina

By: Leap of Faith

May 08 2008

Category: Litratong Pinoy

42 Comments

Nais kong magpasalamat sa Puong Maykapal,

na nagbiyaya sa akin ng mga Inang walang humpay ang pagmamahal.

Kanilang dedikasyon sa pamilya ay walang katulad,

Sa butihing puso nila, makukulit mang anak ay madaling napapatawad.

 

Bagamat may mga panahon na tunay silang sinusubukan,

Pilit pa rin nilang tinitiis upang kalagaya’y makayanan.

Luha sa mga mata sa anak ay di ipapakita,

Lakas ng loob, sa mga ngiti nila’y damang-dama.

 

Sa pagkakataong ito nais kong ipagmalaki,

Aking asawang si Pinky, at inang si Dollie

Dalangin ng aking puso na sa habang panahon

Kasiyahan, kalusugan at kapayapaan ng Diyos ay lagi nilang baon.

 

Maligayang araw ng mga Ina para sa aking kabiyak sa buhay, sa aking dakilang ina at sa lahat ng mga ina ng LP at ng buong mundo!

 

 

 

 

Advertisements

42 comments on “LP006 – Mahal na Ina”

  1. Hmmm…lakas ng loob? Parang di yata ako ang pinapaturingan mo diyan ha! Sa ating dalawa kasi, di hamak na mas malakas ang loob mo sa akin e – hehehe 🙂

    Maraming salamat sa iyong pagpupugay at sa iyong mga dalangin para sa lahat ng ina! Labyu! Mwah! :mrgreen:

    Lakas ng loob… huwag lang sa sakit… hehehe! Karapat-dapat kang ipagmalaki, Hon. Maswerte talaga ako at ikaw ang naging asawa ko at ina ng aking mga anak.

  2. ang ganda namang regalo nyang likha mong tula na yan sa iyong ina at sa iyong maybahay! sweet! happy mother’s day to pinky and to your mom!

    Ces, salamat.. Hindi kasi ako marunong mag bake… turuuan mo ako para maiba naman ang gimmick ko next year 🙂

  3. aww… ang ganda ng litrato pati na ang iyong tula… siguradong matutuwa sila!

    magandang huwebes sa’yo!

    Salamat, Lids… nandaya na nga lang ako sa litrato… kinunan ko ng picture and picture… hehehe!

  4. umaapaw ng tunay na pagmamahal. ang ganda ng akda mong tula para sa mga ina ng buhay mo.

    maligayang LP! sensya na at wala pa akong lahok. bukas na lang po 🙂

    Salamat, Haze. Nag-iwan na ako ng comment sa lahok mo 🙂

  5. Aww! ang sweet naman!

    Mukhang madami na akong nabobola ha… hehehe! Salamat sa pagdaan.

  6. hangswit! sana ay hindi mo bigyan ng sakit ng ulo ang iyong ina at asawa para hindi na nila kinakailangang lumuha 🙂 peace!

    maligayang araw ng mga ina sa iyong asawa at nanay 🙂

    Kung hindi ko naman sila paiyakin baka masyadong maging boring ang buhay nila…. hehehe!

  7. di nga ba sinasabing lahat ng ina ay di matitiis ang sariling anak..

    happy mother’s day to you 🙂

    Agree ako sa iyo diyan… kahit gaano pa kasama ang bata… iba talaga magmahal ang isang ina.

  8. Napakagandang tula.

    Maagang pagbati para sa Araw ng mga Ina kay Pinky at ke Mommy Dollie.

    Maraming salamat, Julie.

  9. para sa lahat ng mga nanay:

    The sweetest sounds to mortals given
    Are heard in Mother, Home, and Heaven.
    ~William Goldsmith Brown

    Salamat, ipaaabot ko sa aking maybahay.

  10. ang ganda nung nasa kaliwang larawan 🙂

    Maganda talaga dahil asawa ko yon… hehehe!

  11. Ang tweet! Sayang di nagba-blog ang hubs ko… 😀

    Linnor, pilitin mo si hubby… mas masaya kapag dalawa kayong nagblo-blog.

  12. kaya ikaw ay mabuting tao Leap sapagkat maraming ina na nakapaligid sayo na syang guinto ang mga puso. Sabi kasi nila ang susi daw ng isang lalaking responsable at mapagmahal sa pamilya ay ang pagkakaroon ng mapagmahal na ina at mapagmahal na asawa. kaya napakaswerte mo sa kadahilanang napapalibutan ka at mga anak mo ng pagmamahal ng isang ina.

    Saludo po ako sa lahat ng Mga iNa. Maligayang Araw ng Mga iNa kapatid.

    Totoo nga na maraming mabubuting ina sa tabi ko Bluep na gumagabay sa akin at sa aking mga anak. Ako mabuting tao? Naku, kung alam mo lang 🙂

  13. aaw. ang ganda naman!

    Salamat.

  14. ang ganda nung pic na may karga na baby…
    makikita tlaga iyong mother’s care…

    happy huwebes…:)

    Salamat, sharmaine, maganda talaga kasi asawa ko yon eh 🙂

  15. maligayang araw din nang mga ina sa iyong mga babaeng dakila sa iyong buhay!

    ang galing din nang akda mo ~ tunay na puno nang pagmamahal at damdamin ang iyong tula!

    Salamat, Judy. Dapat talagang pagandahin dahil mabababasa ng asawa ko ang aking gawa eh… baka magkaproblema ako kung hindi ko ayusin… hehehe.

  16. ooopsss…

    ang ibig ko pong sabihin ay sa iyong mga “dakilang babae sa iyong buhay”… hehehe!

  17. siguradong maluha luha ang mga inalayan mo ng iyong tula 😉

    maligayang lp!

    Teys, mukhang napaiyak nga sa galit eh 🙂 Loko loang.

  18. keith, happy mother’s day to tita dollie, and of course, to pinky (nabati ko na siya sa LP niya).

    pag mga pinakamamahal na ina sa ating buhay ang pinag-uusapan, talaga namang puno ng pagmamahal ang mga salitang lumalabas sa ating pananalita. 🙂

    O nga, Weng… naku paano na sa Fathers’ Day entry ko… tatahimik na lang ako 🙂

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

  19. that’s one heartwarming poem and tribute to your dearest wife and mother. cheers to all mothers, our modern day heroes!

    I so agree with you, Nell… all mothers are heroes!

  20. ang ganda naman very nostalgic ang dating.

    Thanks, medyo dinaya ko lang yan using the effects of my Nokia N70 phone… I must say it looks so “Mano Po-sih” like.

  21. ang sweet naman keith. agree ako kay bluep, i think you’re a good man now because you have great women beside you. 😀

    happy moms day to your moms and to pinky, especially! *muah*

    Meeya’s Memes: LP Mga Mahal na Ina
    Meeya’s Finds: LP Mahal na Ina

    Meeya, thanks. Although I seriously doubt if I am as good as you say I am… trying hard lang. But, yeah, the good women in my life have actually contributed a lot to my whole being.

    Happy MD to you too.

  22. aaaawwww nakakataba ng puso, sana mabasa nila ito 🙂

    Kaje, my wife will surely read this kasi LP member din siya… si Pinky.

    Thanks nga pala sa mabubuting salita.

  23. uy! ang galing ng tula mo para sa mga nanay at sa iyong kabiyak.

    Maraming salamat, Mousey.

  24. Napaka sweet naman ng ginoong ito, at talagang mahusay tutulala este tutula ….
    Happy Mom’s Day sa iyong ina at kabiyak…*kaway kaway ulti kay Pinky*

    btw, kelan ko ipapadala dyan ang personal coach mo? lipad na lipad na si Charlie eh *lol*

    Thess, salamat, salamat… kahit na tulala ka saglit… hehehe..

    Oo nga, ipadala mo na si Charlie kaagad kasi kailangan kong magpapayat habang wala ang pamilya ko dito sa June.

  25. wow naman.. wala ako masabi kundi wow! 🙂
    happy mom’s day to your wifey, mom and mom-in-law!

  26. making it into a sepia has given the composition a dramatic mode, well done.

  27. ang ganda nito.. sana ay mabasa ito ng iyong asawa at ina. 😀

  28. kinikilig ako sa inyong 2 ni pinky. 🙂 wife and husband tandem sa photography! 🙂

    happy mom’s day to your mom, too! nabati ko na si pinky kanina 🙂

  29. Napakaganda at kay husay ng pagkakagawa ng inyong tula pati na rin ang inyong larawan.

  30. Touching post! Ang gaganda rin ng mga litratong inilahok mo.

  31. ang ganda ng isa sa mga litrato, yung mom na may hawak na baby 🙂

    happy mom’s day!

  32. THANKS SO MUCH FOR POSTING THE PAINTING I MADE.AND FOR ALL THOSE WHO APPRECIATED, MY WARMEST THANKS! I WAS GLAD TO KNOW YOU HAVE ONE OF MY ARTWORKS. BEST WISHES.HOPE TO HEAR FROM YOU..

    Mr Alfon, I am star strucked (seriously). This is one comment I never expected.

    It was actually my wife who posted the picture on her blogsite as an entry for her Litratong Pinoy. We both wanted to post your painting as it was perfect for that week’s theme. However, for obvious reasons, we could not have the same entry. Since she told me first I had to give in.

    To be honest, we are really not collectors of paintings. We have been married for 10 years and all that time we only bought 2 paintings. The first one we had was this reproduction (poster), which I loved. I wanted to buy it but the lady in the art gallery said that they can copy it exactly but using real paint. Of course, being so gullible, we fell for her trap. Needless to say the painting was hideous. We used to hang it in our house to remind us of what happens when we become impulse buyers.

    The second painting is your Mother and Child (Tibuli Painting), which we really love. After our first (and hopefully last) bad experience in the Arts, my wife and I vowed that the next painting we would buy is something that we have already seen and something that we both love. Your painting met both criterias. We love the very intricate design of the clothes and head gear and the colors are just so vibrant. I also love mother and child paintings. I wish I could give more “professional” comment about your work but I guess you have known by now that we are novices in art appreciation.

    I hope you do not mind if I blog about this. It has been the highlight of my day.

    I can not imagine the power of the Internet!

  33. […] surprised this morning when I opened my WordPress account and received a new comment in my Clicking Away site from Mr Jun […]

  34. hi..
    actually now ko lang talaga nabasa ung tula na ginawa mu and super nagandahan talaga ko dito..
    tingnan mu pti ako nakagawa din ng tula para sa aking pinakamamahal na ina..
    super nakaka engganyong tularan ang mga may kaalaman sa tula..
    godbless po sa inyong buong pamilya..
    i wish oyu all da best!!

  35. the message was great i love it

  36. hello reading your poem “tula” gives a great impact to me

  37. hi the poem was emotional but i like it though

    thanks i learn to appreciate mt mom

  38. hi the poem was emotional but i like it though

    thanks i learn to appreciate my mom

  39. ===graveh iyanang da bhez na gift sa lhat ng ina dhel sa muntingtula napa2nay mu na mhal mo xia na inspird aq dhun salmat gawa ka pa ng mraming tula slamat

  40. salamat po sa mensahe na yaan ! laking tulong po sa aking project yan! tnx! 🙂

  41. nakakarelate

  42. ang ganda ng tula para talaga sa mga ina na nag sasakripisyo tulad ng aking ina 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: