LP009 – Ihip ng Hangin

By: Leap of Faith

May 25 2008

Category: Litratong Pinoy

27 Comments

 

Ang mga kuwadradong istruktura sa itaas ng bubong ng mga gusali sa larawan ay ang mga “wind towers” sa Souq Madinat Jumeirah sa Dubai, UAE. Ang mga toreng ito ay ginagamit bilang pampalamig sa mga sinaunang bahay dito sa Gitnang Silangan. Sa bawat ihip ng hanging disyerto, ang matinding init  ay dali-daling napupukaw at napapalitan ng mas malamig na hangin na umiikot sa buong kabahayan.  Tunay na walang laban ang nakapanlulumong init sa ginhawang naidudulot ng mga toreng ito. 

Ang Souq Madinat Jumeirah ay isa sa pinakamagandang mall sa Dubai hindi lamang dahil sa kanyang kakaibang arkitektura ngunit dahil din sa kanyang magandang tanawin ng Burj Al Arab, ang kaisa-isang “seven star” hotel sa buong mundo.

Ang litratong ito ay kuha mula sa aming bakasyon noong nakaraang linggo.

 

 

 

 

Advertisements

27 comments on “LP009 – Ihip ng Hangin”

  1. talagang nakaka-intriga ang gusaling ito…wala pa kasi akong pagkakataon na makita ito …mabuti nalang at may mga katulad ng larawan mo at kahit papaano ay nasisilayan namin ang veuti nito…haha! bigla naging bading! salamat!

  2. ang galing talaga mag-adapt ng mga tao ano? biruin mo nakaisip pa sila ng ganitong klaseng airconditioning noong unang panahon. 🙂

  3. may natutunan ako sa iyong akda… 🙂

  4. Ang galing naman. Malikhain talaga ang tao.

  5. ayan… may natutunan na naman ako

  6. hay…. sana lang makarating din ako dyan… happy huwebes… 🙂

  7. ang ganda! pati na rin ng mga ilaw!

  8. hay! talaga atang kay ganda ng Dubai. magandang araw ng Huwebes sa iyo.

  9. Ang galing ng pagkakakuha mo at tamang tama ang exposure! May natutunan ako ngayong araw na to mula sa akda mo. Salamat!

    Magandang Huwebes sa yo kaibigan! 🙂

  10. seven stars? huwaw! 😀 hanggang 2-star hotel pa lang ang napupuntahan ko e, hehehe.

  11. uy ganda siguro lalo ng loob ng hotel na yan, nga lang mahal ehhehe happy huwebes

  12. Wind towers, kakaiba na talaga ang mga disenyo ano? Ang galing.

    Happy Huwebes sa iyo!

  13. ang galing ng kuha mo! at ang galing ng subject mo 🙂 lalamig din kaya ang hangin pag ginamit yan dito sa ‘pinas?

    happy hwebes!

  14. wow, galing talaga ng mga tao noh? nakakaimbento ng mga bagay na ayon sa pangangailangan.

    at may natutunan din ako sa lahok mo.

    happy lp!

  15. Sir, pinasok nyo ba ang hotel? intriga ako sa loob nyan , dahil sa hanggang panaginip na lang yata makikita.

    back to topic he he, aba, hindi ko alam na ganuon pala nangyayari pag tumama ang mainit na hangin sa mga gusaling yan ay napapalitan ng ginahawang hangin, sana meron tayong mga ganitong uri ng gusali sa Pilipinas ano?

  16. Na-miss ko na naman tuloy ang Dubai! Haaay! Sana palarin uli tayong makabisita doon…

    Paganda na ng paganda ang mga kuha mo ha! Mukhang kinakareer na talaga ang potograpiya – naks! How posh! Hehehe 🙂

  17. magandang larawan at paglalarawan… aarchitectural ang dating!!gandang huwebes

  18. uy, ok yan ah!! para makatipid sa aircon 😀

    happy LP!!

    Cookie
    http://scroochchronicles.blogspot.com/

  19. ang galing.. may baon akong kaalaman tungkol sa dubai. salamat! 🙂

  20. galing! kita mo nga naman. necessity is the mother of invention, sabi nga. 🙂 ano kaya itsura niyan (hotel) sa loob?

  21. Oy! iyan ang isa sa mga gusto kong puntahan na lugar dahil sa dami ng nakikita kong larawang nakakamangha, gaya ng ipinakita mo.

  22. Kaya aliw na aliw ako sa litratong pinoy dahil nalilibot ko ang ibat-ibang bansa. Nice pic! Happy weekend!

  23. ang ganda naman!!!! sana makita ko ito ng personal sa tamang panahon.

    happy weekend!

  24. mabuti na nga lang at may mga ganyang larawan at nakikita namin ang mga magagandang lugar na yan.

  25. oo nga ano…akmang-akma ang wind tower para sa ating temang mahangin. May picture din ako ng Burj Al Arab sa ganitong angulo pero day shot. Maganda pala ang night shot.

    Tungkol sa komento mo:
    Talagang lulubog sa buhangin ang kotse kaya dapat talaga na umiwas ka. Kung gusto mo maglaro sa buhangin kailangan ay 4×4 na sasakyan at medyo deflated ang gulong – around 17 psi para kumapit ang gulong buhagin at ma-minimize ang likelihood ng aksidente 🙂 Sumama ka na lang sa group tour mas mura (kasi less maintenance for your car), mas masaya at trained ang mga drivers. Try mo enjoy naman sya pero not something that you would do over and over again 🙂

  26. keith, nakalimutan kong hindi pa pala ako nakakapunta dito pati sa entry mo last week. sorry! 🙂 hee hee. salamat sa pabaong kaalaman tungkol sa wind towers. hindi rin natin masasabi kung kailan ko magagamit ang impormasyong iyan pag meron akong kausap. hahaha!

    happy birthday to marga!!!! 🙂

  27. …………………………………………………………………………………………………………………………

    hahahhahahhahahhahahahahahahahaha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: