LP010 – Pag-Iisang Dibdib

By: Leap of Faith

Jun 05 2008

Category: Litratong Pinoy

20 Comments

Ang aming pag-iisang dibdib ay nagbunga ng….

     10 maliligayang taon ng pagsasama,

     3 operasyon sa tiyan ng aking asawa,

     3 malilikot ngunit mababait na supling, at

     2 taon sa gitnang silangan, buong pamilya pa rin ay magkapiling.

     25 kilo (humigit-kumulang) na karagdagang timbang sa aming katawan –

     Uulitin ko ba ang lahat?  Oo naman… walang pag-aalinlangan!

 

Ang litratong ito ay kinunan sa Snake Island, El Nido, Palawan noong nakaraang Disyembre gamit ang aming tripod.

Kung nais ninyong makita kung saan nagsimula ang lahat ng ito, bistahin ang => Pag-Iisang Dibdib

  

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

20 comments on “LP010 – Pag-Iisang Dibdib”

  1. buhay na buhay sa kuhang ito ang inyong masayang pagsasama 🙂

  2. congratulations sa makulay na taon na bigay ng Diyos sa inyong pagsasama.. here’s to many more!

  3. Ang saya naman! Sana ay patuloy pa ang inyong masayang pagsasama!

  4. Masaya talaga kapag nagmamahalan:D Godbless sa inyong pagsasama!

  5. aww… how sweet! hanga ako sa inyo!
    magandang huwebes sa’yo!

  6. nakow! bakit nga ba ganoon? timbang ang sadyang palaki ng palaki mula nang ating kasal?

  7. kaya naman pala ang saya mo eh..ang dami nyo ng pinagdaanan 🙂

    cookie
    http://scroochchronicles.blogspot.com/

  8. ok ang pagsasalahad mo….nakakatuwa…nakikisaya ako at masaya kayo. congrats sa 10 years!

    masayang Huwebes na naman!

  9. hangswit! kahit sobrang sakit ng ulo ko ngayon, di ko mapigilang maglibot-libot para makakita ng mga ganitong ka-swit na litrato at akda! 🙂 sana ay magtagal pa ang inyong samahan…. habang buhay!

  10. sana ay makapunta rin ako sa palawan. maligayang huwebes! 🙂

  11. uy keith, bakit ka on all fours?! 😛 ang ganda ng litrato niyong mag-asawa. pramis! 🙂

    hapi huwebes!

    Sumpaan
    Abay

  12. Ang ganda naman ng statistics mo! At ang litrato, ang saya-saya! Bibihira lang ang mga lalaking mahilig mag-pose sa litrato, buti ang asawa mo ay mahilig din sa litrato!

    Ang aking LP ay naka post na rin:

    Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.

    Salamat!

  13. naku keith e kung sumagot ka ng “may pag-aalinlangan” malamang sa malamig na sahig ka na matutulog hehehe.

    great shot of you and pinky! 🙂 yung 25 pounds, hindi naman taba yun, yun yung dagdag na kaligayahan na nasa inyong mga puso. naks! 🙂

    MyMemes: LP Kasalan
    MyFinds: LP Kasalan

  14. Ang saya saya! Punong puno ng kulay at ligaya ang inyong pagsasama! Sana ay tumagal pa! Salamat sa mgandang litrato mo!!!

  15. ang cute ng picture! 🙂 more power to you and pinky!

  16. nice… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP… 🙂

  17. Keith!!! Hangang hanga talaga ako sa inyong 2 ni Pinky! Napakagandang pamilya at tunay na maipagmamalaki ang mga anak! 🙂 Dasal ko ay patuloy pa rin ang biyaya sa inyong pamilya at buhay mag asawa. 🙂 natawa ako sa huling linya tungkol sa timbang ha.. wag ng isipin un dahil bagay na bagay pa din kau! yiiiheeee!!!

  18. saang beach ito? ang ganda naman.

  19. ang ganda naman diyan keith! 🙂 kitang kita sa inyong mga ngiti kung gano kasaya ang inyong pagsasama.

    happy weekend sa inyo!

  20. nakakaaliw itong litrato niyong mag-irog….kitang kita ang pagmamahalang naghahari sa inyong pagsasama….at ang ganda ng el nido!

    (thank god for tripods!)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: