LP015 – Balingkinitan

By: Leap of Faith

Jul 09 2008

Category: Litratong Pinoy

25 Comments

Pepsi Paloma, Sarsi Emanuel, Melo Sadiwa at Coca Nicolas… mga binibining nataguriang “softdrink beauties” dahil sa kanilang balingkinitang katawan na inihantulad sa hugis ng isang bote ng softdrink. Sila ang mga babaeng hinangaan ng marami ilang dekada na ang makalipas.

Ikaw, nais mo rin ba magkaroon ng isang balinkinitang katawang katulad ng sa kanila? Kung oo, bakit hindi mo umpisahan dito sa mga boteng ito – less than 1 calorie lang yan! Sige na, huwag ka nang mahiya 🙂

Advertisements

25 comments on “LP015 – Balingkinitan”

  1. baka maging kamukha ko din si sarah jessica parker no? pag di tumalab coke zero na lang 🙂

    happy lp!

  2. Kung gusto talaga ng tao na maging balingkinitan, tubig lang dapat ang iinumin. Bawal ang sodas. Kahit 1/4th o zero calorie pa ito. 😉

  3. pareho tayo ng naisip! kaso wala kong nakuhanang coke hehehe.. kaya eto na lang:
    http://gallerianeri.blogspot.com/2008/07/sexy-siesta.html

    maligayang paglilitrato! 🙂

  4. Dati coco cola 8oz ako, ngayon coke 500 na hahaha!

  5. Tubig na lang ako saka pineapple juice, ok na kahit tuwid na lata hehehe. Happy Lp! Great pick!

  6. sayang di ako masyadong mahilig sa soda. 🙂 fit & right yata ang dapat ko inumin dahil daw may l-carnitine na tumutunaw ng taba (sabi nila) 😀

  7. Yan, yan ang dapat ko inumin

    O wag na lang kaya…

    Magandang Huwebes!

  8. aba! at kilalang kilala mo silang mga sopdrink beauties ha! kayo talga! ganda ng kuha keith! penge isa? init na dito!

  9. yan ang sexy icon talaga!
    magandang huwebes sa’yo!

  10. hehe, naisip ko rin yan kagabi… 🙂
    maligayang araw ng huwebes… 🙂

  11. ay korek! naaalala ko nga sila…asa na kaya sila? lola na? balingkinitan pa rin kaya…hehe!

  12. ngayon baywalk bodies naman at saka oakwood beauties ba yun? haha. ang pinoy talaga…

    ito aking lahok

  13. Tama si Mitch – malamang Coke 500 na ang mga softdrink beauties na yan ngayon (pwera si Pepsi dahil namayapa na…) – hahaha! 😆

    Tagay tayo (pwede tubig na lang?) para maging balingkinitan tayong lahat!

  14. Hala, kung ako may ganung katawan? Abnoy na akong maituturing hahaha. Pwede ba ung drink na negative ang calories? Para mas madali nang pumayat:D

  15. Buti na lang at matataba ang bote ng coke dito kundi samesame pa tayo ng entry ha ha! Keith, nasaan si Pia Moran sa listahan? Ka sexy kasi ng babae na yun, opposite ng kanyang baby sister na schoolmate ko sa secondary school na mabilog (tsk, itsi-nismis pa eh, ano?) Halata ang age naman natin *lol!*

    hapi tersdei, kapatid.

  16. Dati addict ako sa Coke pero ngayon hindi na. Sa halos isang taon, dalawang beses lang akong nagkasala. Nung una kasi may nakacombo na softdrink and popcorn sa movie ticket ko. Yung pangalawa, yun lang kasi ang inumin sa meeting namin.

    Siguro kung di ako tumigil, mala Coke in can na ang hugis ko. Ha ha ha.

    Magandang Hwebes!

  17. ako naman, ang shape ko coke in can, hahaha!

    uy pareho tayo ng entry, mas maliwanag pa ang kuha mo kasi wala akong natural light dito sa amin (tsk tsk). napaka-classic talaga pag sinabing kasing sexy ka ng coke bottle no? buti na lang may coke museum dito sa atlanta at merong collection ng classic coke bottles ang aking kaibigan at hindi ko na kinailangan bumili pa, hehehe. 🙂

    LP Balingkinitan sa MyMemes
    LP Balingkinitan sa MyFinds

  18. masarap ang sarsi…

  19. ang ganda ng curve sa gitna ng dalawang bote. 😀

  20. Wag mong kalimutan na si Tia Pusit dating softdrinks beauties din, Sarsaparilla yata ang tawag sa kanya dati hehehe.

  21. galing ng pagkakakuha mo! love it!

    have a great week ahead!

  22. keith, naalala mo dati, tinutukso mo ako sa mga tabingi kong pictures. ano ito at tabingi ang picture? isauli ang camera! may diprensya! hahaha!

    ang ganda talaga ng bote ng coke!

  23. bakit di nyo try ang bote ng gin


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: